Magandang araw, ito ang wikang Espanyol!!

Nagsimula na ang pag aaral sa wikang espanyol!!! Magsisimula ito sa Alpabeto.

「A」at 「E」.Pinag aralan din ng konte ang mga bansang nagsasalita ng espanyol …..

At ang huling pinag aralan ay ang letrang 「I」at 「O」….

Ang pinaka mahirap na challenge sa mga bata ay ang pag sulat ng letrang 「O」…

Ganon pa man, nagawa nila ng maayos at magaling!!!!

Ang Hunyo 1, ay araw ng mga bata sa Tsino!

Ngayun ay araw ng mga bata sa chinese●’◡’●)

🎈Nagbasa kami ng mga tula, kumanta ng mga nursery rhyme, at nag laro kasama ang mga batang chinese !

Sinuri ang pangunahin kaalaman sa pinyin, pagkatapos ay nagsanay ng mandarin,ang karaniwang wika.、。。。

Ang bawat maliit na pagsasama o pagtitipon ay tiyak na hahantong magandang resulta sa kinabukasan!

Samasama nating gawin ang ating makakaya!

Nagsimula na📣 Ang lakbay Klase sa Kira cho Ogiwara📣

Mayo taong 2024,humiram ng isang kuwarto sa Ogiwara Shimin Kooryu Center. At sinimulan ang lakbay Klase ng KIBOU para sa mga batang elementarya at high school.Dahil sa marami na ang lumipat ng tirahan sa KIRA CHO.Nagawa ng pagsabayin lahat ng klase sa paaralan.Ang layunin ay makapag -aral mag isa ng bata sa mga takdang aralin.

Sa ngayun,gaganapin ito isang beses sa loob ng isang linggo tuwing miyerkules.

Sa pagitan ng 3:30 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon sa mga batang elementarya. Pumunta sa nais na oras at umuwi sa nais na oras.(Sa mga batang elementarya na mababa sa grado 3, Kailangan na ihatid at sunduin ng magulang o tagapag alaga).

Sa mga high school naman ang oras ay 5:30 ng hapon hanggang 7:00 pm tuwing miyerkules.

Sa mga gustong sumali, tumawag sa KIBOU at puwede rin mag mensahe sa “Facebook messenger”.

Tindahan ng ONIGIRI🍙

Umaga ng nagsama sama ang mga batang hindi pumapasok sa kindergarten, hindi pumapasok sa paaralan at mga batang may edad.sa pag gawa ng tindahan ng Onigiri sa KIBOU….

Ang mga batang gumawa at kumain ng ONIGIRI sa unang pagkakataon, kasama narin ang mga batang muslim na mayroong hindi pwedeng kainin.

Noong martes, upang masimulan ang pagtinda ng ONIGIRI sa KIBOU ay pinag‐aralan kung paano ang pag saing. ng bigas.

Nong miyerkules naman ay namili ng mga gagamitin sa pag gawa ng ONIGIRI at gumawa rin ng “ONIGIRI ticket” at pinamigay.

Ngayong huwebes, kumuha ng mga order sa customer.

Tatlo ang menu, NORISHIO, OKAKA, YAKIONIGIRI.

Iningatan ang pag gawa ng mga order ng ONIGIRI na hindi mag sobra.

Kailangang magaan ang kamay na bilugin ang ONIGIRI dahil titigas ito kung malakas ang pag gawa.

Dinala ang ONIGIRI sa mga umorder.

“Masarap!”

“salamat sa pagkain!” at nasiyahan ang lahat…..

Pumunta kami sa Silid Aklatan!

Ang ganda ng panahon!

Ngayong araw, pumunta kami sa silid aklatan.

Nagpicture kami sa harapan ng mga magandang bulaklak.

Nakahiram ang bawat bata ng isang libro na gustong basahin. Nakakatuwa!!

Babalik kami, maraming salamat po!

Sariling wika ng mga bata. Pagkilala ng pamanang (wikang Espanyol) ♬

Simula taon 2024 ,Sabado ng umaga, magsisimula na ang pag aaral sa sariling wika ng Espanyol.

「Espanyol ang sariling wika ng nanay ko. Naririnig ko ngunit wala akong lakas ng loob magsalita」

「Espanyol ang salita namin sa loob ng bahay, pero hindi pa ako nakakapag aral mag sulat」

Sa mga batang may ganitong situasyon, huwag mag atubili mag punta at manood .

May mga staff din na galing sa PERU..Sasamahan ang mga bata sa pag gawa ng aralin, mag laro. at magsulat.

Sa Nobyembre, May (OMATSURI ) dito sa Accty Nishio. Gaganapin ang pagtatanghal ng pag aaral.

Magsisimula na ngayong 2024…

Bagong taon ng pagpasok sa klase ngayong 2024,

masaya ba kayong pumapasok papunta sa paaralan?

magsisimula na rin ang klase sa KIBOU ngayong taong 2024.

Kaming mga staff ay lalabas at tutulong sa mga elementarya at junior highschool ng ISHIKI-CHO at KIRA-CHO.

Ang kalendaryo at patalastas ng elementarya at junior highschool ay ibibigay ng mga guro.

Maghihintay kami sa inyong pag aaply.

ISHIKI class ➡ Lugar:ISHIKI KOUMINKAN, martes hangang huwebes 15:30-19:00

OGIWARA class➡ Lugar:KIRA SHIMIN KOURYU CENTER miyerkules 15:30-19:00

Nag aaral sa KIBOU at mayroon ding masasayang aktibidad na ginagawa.

Mag e-enjoy tayo 🙂

Posyon Magic✨

Mag ipon ng damo,bulaklak,lupa at mga sanga ng kahoy…….、

Haluin, haluin , haluin..…

At kapag naging tao na hindi nakikita ay lilipad sa ulap ang posyon magic✨

At gumawa rin posyon magic ng kaibigang unicorn,♪

Huling araw ng Klase ng Pagbasa ng libro taong 2023。

Malapit ng matapos ang taong 2023.

Napakaraming libro ang kanilang binasa, At makulay na isinulat sa talaan ng pagbasa. Ginawa ng lahat ang kanilang makakaya. Kasama nila ang mga guro kapag mahirap ang pag aaralan. Nagawa ng maayos at masaya ang pagbasa ng libro sa loob ng isang taon.

Pagkatapos ng pag aaral ay gumawa ng zodiac Dragon. 

Tuwang tuwa ang mga bata sa pag gupit ng Dragon shape. Pagkatapos makagawa , ang mga bata ay inikot ikot ang Dragon. At tuwang tuwa ang lahat.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat inyong lahat!!!!!!!!!

“OYAKO PRESCHOOL” Paksa ng Nobyembre*** !!Panahon!!

Taon ng 2024, buwan ng Abril, mga batang 5 taong gulang na papasok sa elementarya kasama ang mga magulang,, ito ang ”OYAKO PRESCHOOL”…

Ang paksa sa Nobyembre ay “panahon”.

Ang mga nararamdaman sa panahon ay ikukuwento at gagawin sa Paper puppet habang nakikinig at nanonood. Tulad ng pag gawa kay ” HARI San “..♬Kasama ng mga bata ang mga magulang kaya masaya sila nag aaral.

Sa bawat bagay na ginawa ng bata na tama,, ay tumitingin sa magulang at nakangiti…         Sa mga pamilya na nakatira sa Nishio na may anak na Nencho san. Bago pumasok sa paaralan, na gustong pag aralin ng wikang hapon ang anak. Maaari kayong tumawag at mag apply sa nais ninyong wika sa (SMS o messenger….)